^

Probinsiya

Kagawad patay sa ambush

-
DARAGA, Albay – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay kagawad, samantala, malubha namang nasugatan ang kanyang anak na babae dahil sa tama ng ligaw na bala mula sa baril ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay papalabas ng sariling bahay sa Barangay Binitayan sa bayang ito kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital si William Echegoyen, 37, samantala, ang anak nitong si Kycel, 10, isang grade 4 pupil ay kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.

Kaagad naman tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong walang plaka patungo sa bayan ng Camalig.

May teorya ang pulisya na ang naganap na pananambang sa biktima dakong alas-7 ng umaga ay may kaugnayan sa nalalapit na barangay at SK elections. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

BARANGAY

BARANGAY BINITAYAN

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

ED CASULLA

KAAGAD

KYCEL

PINAGBABARIL

ULAT

WILLIAM ECHEGOYEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with