^

Probinsiya

Ama kinatay ng na-praning na anak

-
SAN NARCISO, Quezon –Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang magsasaka makaraang pagtatagain ng sariling anak na pinaniniwalaang na-praning sa droga habang ang biktima ay kumakain sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Kantundoy, Barangay Lakdayan sa bayang ito kamakalawa ng tanghali.

Ang biktimang si Dominador Gader, 49 ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa San Narciso Municipal Hospital dahil sa pagkaubos ng dugo sa tinamong maraming tama ng itak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, ang suspek na si Renato Gader, 18, alyas Dodong, binata ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-12 ng tanghali.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Renato Menduenela, naganap ang karumal-dumal na krimen habang kumakain ang biktima sa kanilang bahay nang sugurin ng itak ng suspek sa hindi nabatid na dahilan.

Nakuha pang lumaban ng biktima kahit na may mga tama sa katawan hanggang sa tuluyang bumulagta bago iwanan ng anak na suspek.

May palagay ang pulisya na na-praning ang suspek dahil sa napapaulat na malimit makitang gumagamit ng droga sa kanilang bahay kapag nag-iisa. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY LAKDAYAN

DODONG

DOMINADOR GADER

NAGKAGUTAY

NAKUHA

RENATO GADER

RENATO MENDUENELA

SAN NARCISO MUNICIPAL HOSPITAL

SITIO KANTUNDOY

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with