Dahil sa natanggap na impormasyon ng pulisya mula sa isang informer ay nalambat si Abigail Ramirez, 37, may asawa bandang alas-3 ng hapon na nagbabalot ng shabu upang ipagbili.
Sinabi ni P/Chief Supt. Vir\gilio Maligaya, hepe ng Central Intelligence and Investigation Division (CIID), si Ramirez ay residente ng UTC compound sa Marawi City subalit pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng kanyang pinapasukang eskuwelahan.
Nakumpiska kay Ramirez ang 30 sachets ng shabu na tumitimbang ng 3.4 gramo. Kaagad naman kinasuhan ang suspek subalit pinayagan namang makapagsiyansa ng korte ng halagang P60,000 upang makalaya.
Ayon pa kay Maligaya na 70 porsiyento ng shabu ay mula sa Ozamis, samantala, 30 porsiyento naman ay mula sa Marawi City saka ipinakakalat sa Iligan City. (Ulat ni Lino Dela Cruz)