^

Probinsiya

Teacher tiklo sa shabu

-
ILIGAN CITY – Isang guro ng mababang paaralan ang iniulat na nadakip ng pulisya sa aktong nagrere-pack ng shabu matapos na salakayin ang kanyang inuupahang kuwarto sa Santillan, Barangay Saray sa lungsod na ito kahapon.

Dahil sa natanggap na impormasyon ng pulisya mula sa isang informer ay nalambat si Abigail Ramirez, 37, may asawa bandang alas-3 ng hapon na nagbabalot ng shabu upang ipagbili.

Sinabi ni P/Chief Supt. Virgilio Maligaya, hepe ng Central Intelligence and Investigation Division (CIID), si Ramirez ay residente ng UTC compound sa Marawi City subalit pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng kanyang pinapasukang eskuwelahan.

Nakumpiska kay Ramirez ang 30 sachets ng shabu na tumitimbang ng 3.4 gramo. Kaagad naman kinasuhan ang suspek subalit pinayagan namang makapagsiyansa ng korte ng halagang P60,000 upang makalaya.

Ayon pa kay Maligaya na 70 porsiyento ng shabu ay mula sa Ozamis, samantala, 30 porsiyento naman ay mula sa Marawi City saka ipinakakalat sa Iligan City. (Ulat ni Lino Dela Cruz)

ABIGAIL RAMIREZ

AYON

BARANGAY SARAY

CENTRAL INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

CHIEF SUPT

DAHIL

ILIGAN CITY

LINO DELA CRUZ

MALIGAYA

MARAWI CITY

RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with