^

Probinsiya

4 NPA rebels, 7 pa tiklo sa encounter

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kumpirmadong napatay, samantala, lima pang iba ang nadakip sa naganap na enkuwentro sa pagitan ng pulisya at mga rebelde sa bayan ng Tanauan at Malvar, Batangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala lamang sa mga alyas ang mga nasawing rebelde na sina Ka Lowie, Ka Intoy, Ka Gerry at Ka Gino na nakabase sa 1st district ng naturang lugar.

Samantala, nadakip naman ang pitong rebelde na sina Melvin Mendoza, 21 ng Silang, Cavite; Marlon Alhambra, 38 ng Nasugbu, Batangas; at Renato, 44 at Fortune Hiwatig, 23 ng Brgy. Tala, Nasugbu, Batangas; Mario Braga, 36 ng Brgy. Bawi; Celso Dimaculangan, 34 at Azrel Pulido, 30 ng Calapan, Oriental Mindoro.

Nasugatan naman sa engkuwentro sina SPO1 Melencio Landicho ng Malvar PNP station, Richard Recio, 16 at Reynaldo dela Cruz na mga sibilyan.

Narekober sa mga rebelde ang Galil HK-53, M16 armalite rifle, kalibre 45, cellphone, calculator, mga fatigue uniforms at listahan na nakolekta ng revolutionary tax.

Base sa ulat na isinumite ni P/Supt. Renato Lorenzo, Batangas PNP provincial director kay P/Director Domingo Reyes, Jr., PNP regional director, naganap ang engkuwentro dakong alas-11:30 ng gabi makaraang dumaan ang sasakyang Toyota van (WLN-749) sa checkpoint ng 402nd Police Mobile Group (PMG) sa Brgy. Sambat, Tanauan City.

Ayon pa sa ulat, hindi tumigil ang sasakyan ng mga rebelde kaya napilitang habulin ng mga awtoridad hanggang sa umabot sa Malvar at nagpalitan ng sunud-sunod na putukan na ikinasawi kaagad ng apat na rebelde. (Ulat nina Ed Amoroso/Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AZREL PULIDO

BATANGAS

BRGY

CELSO DIMACULANGAN

DIRECTOR DOMINGO REYES

ED AMOROSO

FORTUNE HIWATIG

MALVAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with