^

Probinsiya

6 NPAs dedo sa engkuwentro

-
Labo, Camarines Norte – Anim na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay, samantala, anim naman ang nadakip at walo pa ang malubhang nasugatan sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng militar at makakaliwang kilusan sa kagubatang sakop ng Brgy. Bagong Silang, Labo, Camarines Norte kahapon ng umaga.

Isa sa anim na rebelde na napatay ay nakilalang si Carlito Apigo, alyas Jack at NPA kumander ng front 72 sa ilalim ng provincial party committee sa Camarines Norte.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng nadakip, samantala, bineberipika pa ang mga pangalan ng nasawi at ang walong malubhang nasugatan ay binitbit ng kanilang mga kasamang rebelde.

Kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol ang tropa ng 31st Infantry Battalion sa pamumuno nina Lt. Magbalot at Lt. Nato sa nabanggit na barangay nang salubungin sila ng sunud-sunod na putok ng mga rebelde dakong alas-6:30 ng umaga.

Tumagal ng may 35 minuto ang palitan ng putok hanggang sa mapilitan ang mga rebelde na umatras makaraang malagasan ng anim at pagkakasugat ng malubha ng walong iba pa.

Napag-alaman na ang anim na nadakip ay nagkukubli sa damuhan habang ang iba nilang kasamahang rebelde ay papatakas.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng militar, samantala, narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang tatlong M16 armalite rifles, M653, M14 assault rifle, 2 computers na may printer at generator. (Ulat nina Joy Cantos, Francis Elevado at Ed Casulla)

BAGONG SILANG

BRGY

CAMARINES NORTE

CARLITO APIGO

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

LABO

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with