2 kawani ng Kapitolyo, dinukot at pinatay
April 19, 2002 | 12:00am
MAGUINDANAO Pinaniniwalaang dinukot saka pinatay at inilibing ang dalawang provincial employees na napaulat na nawawala noong Marso na huling nakita sa loob ng compound ng kapitolyo ng Shariff Aguak.
Sina Murad Bajunaid at Haron Abdullah ay huling nakitang buhay sa naturang lugar bago dinukot ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang kabilang sa kalabang political quarter ni dating Maguindanao Governor Zacaria Candao.
Nanawagan si Candao sa mga kinauukulan na masusing imbestigahan ang pagkawala ng dalawa.
Si Bajunaid ay pamangkin ni Candao, samantalang si Abdullah naman ay kapatid ng dating Tagapagsalita ni Candao na si Odin Abdullah.
Sinabi pa ni Candao na ang pinaglibingan sa mga biktima sa border ng Shariff Aguak at Mamasapano sa 2nd district ng Maguindanao ay kasalukuyang binabantayan ng heavily armed partisan na hindi maaring pasukin ng mga interesadong non-government organization na magsasagawa ng imbestigasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest