^

Probinsiya

Paglubog ng barko isinisi sa mga bumbero

-
BATANGAS CITY – Mariing isinisi ng pamunuan ng Philippine Coast Guard sa Batangas sa mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nakabase sa Lucena City ang paglubog ng M/V Maria Carmela sa karagatang sakop ng Pagbilao, Quezon may ilang kilometro lamang ang layo mula sa pantalan ng Dalahican.

Sinabi ni Avelino Fortuna, deputy commander ng 5th Coast Guard District na ang tuluy-tuloy na pagbomba ng tubig sa loob ng M/V Maria Carmela ay siyang naging dahilan ng paglubog ng barko dahil sa napuno ng tubig.

Ipinahayag pa ni Fortuna na ang Lucena BFP ay kusang nag-alok ng kanilang tulong na maapula ang apoy sa loob ng barko at hindi nito inalintana na babaha ng tubig.

Ayon pa kay Fortuna, nagsimula ang operasyon ng Lucena BFP sa pamumuno ni Insp. Jose Imbang, Jr. na may dalang walong pails ng dry chemicals dakong ala-una ng madaling-araw ng linggo sakay ng M/V Sophia na pag-aari ng Montenegro Shipping Lines.

Napag-alaman pa sa ulat ng Coast Guard na umabot ng sampung oras ang pagpatay ng oil fire bago lumubog ang barko ngunit kung susuriing mabuti ay aabot lamang sa 10 minuto bago makunsumo ang walong pails ng dry chemical na katumbas ng 11,000 liters of water.

Sinikap namang makontak ng PSN si Imbang upang magbigay ng pahayag subalit hanggang sa kasalukuyan ay walang makapagsabi kung nasaan ang naturang opisyal. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Tony Sandoval)

ARNELL OZAETA

AVELINO FORTUNA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

COAST GUARD

COAST GUARD DISTRICT

FORTUNA

JOSE IMBANG

LUCENA

LUCENA CITY

V MARIA CARMELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with