Ama dinedo ng anak

STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Isang 53-anyos na ama ang walang-awang pinagtataga hanggang sa mapatay ng sariling anak makaraan ang maikling pagtatalo sa kanilang bahay sa Brgy. Pulong Buli sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Sto. Domingo Hospital si Daniel Lungayan, magsasaka, samantala, tinutugis ng pulisya ang anak na suspek na si Juanito Lungayan y Sagun, alyas Juan.

Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Marlon Bingcang, hepe ng pulisya sa bayang ito, nagsimulang magtalo ang mag-ama dakong alas-4:30 ng hapon hanggang sa humantong sa pananaga ng anak sa ama.

Isinugod sa naturang ospital ang biktima ngunit hindi na umabot pa ng buhay at kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments