^

Probinsiya

Barko na nasunog,lumubog na

-
LUCENA CITY – Tuluyang naglaho at nawalan ng pag-asa ang mga kaanak ng mga nawawala pang biktima ng M/V Maria Carmela na posible pang marekober ang mga labi kahit na tustado na makaraang lumubog ang barko kahapon ng tanghali.

Personal na nasaksihan ng PSN correspondent ang pagtagilid ng barko bago tuluyang lumubog bandang alas-12:55 ng tanghali.

May tatlong dipa na lamang ang layo mula sa barko ang team ng Scene of the Crime Office (SOCO) at Quezon PNP Crime Laboratory Office sa pamumuno ni P/Sr. Insp. Rufina Baldovino sakay ng isang pumpboat kasama ang ilang mamamahayag upang kunin ang mga labi ng na-trapped.

Ngunit sa hindi naipaliwanag na dahilan ay biglang lumubog ang nasunog na M/V Maria Carmela na halos sampung minuto ang itinagal bago tuluyang nilamon ng dagat.

Kaagad naman dinispatsa ni Phil. Coast Guard Capt. Alejandro Flora Jr. ang coastguard divers mula sa Batangas at Maynila sa pinaglubugan ng barko upang makakuha ng mga ebidensya sa isinasagawang imbestigasyon.

Dahil dito, sinabi ng mga galit na kaanak ng mga biktima na posibleng nawalan ng saysay ang isinasagawang imbestigasyon sa nasunog na barko. (Ulat nina Tony Sandova at Arnell Ozaeta)

ALEJANDRO FLORA JR.

ARNELL OZAETA

COAST GUARD CAPT

CRIME LABORATORY OFFICE

RUFINA BALDOVINO

SCENE OF THE CRIME OFFICE

SR. INSP

TONY SANDOVA

V MARIA CARMELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with