Lola nagsampay sa kable ng kuryente, nangisay
April 14, 2002 | 12:00am
COTABATO CITY Dahil sa pagsasampay ng basang damit sa kable ng kuryente ay natigok ang isang 80-anyos na lola, samantala, isa pa nitong kapitbahay ang nagtamo ng 3rd degree burns makaraang masagi ang talop na kable ng kuryente sa Parang , Maguindanao kamakalawa.
Idineklarang patay sa Parang Iranon District Hospital ang biktimang si Bai Zainar Diron, samantala, si Bai Mai Dimalao, 70, ay kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan dahil sa tinamong sunog sa buong katawan dulot ng malakas na boltahe ng kuryente.
Nauna rito, noong Enero lamang ay nakuryente rin at namatay ang tatlong kababaihan sa Brgy. Tamontaka matapos na magsampay din ng nilabhang damit sa linya ng power transmission sa kanilang likod-bahay. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 11 hours ago
By Cristina Timbang | 11 hours ago
By Tony Sandoval | 11 hours ago
Recommended