^

Probinsiya

Libre-sakay sa barko bawal na

-
Simula bukas ay mahigpit na ipagbabawal ng Phil. Coast Guard at Maritime Industry Authority (MARINA) ang libreng sakay sa lahat ng sasakyang dagat na kasalukuyang pinaiiral ng mga opisyal ng barko upang maiwasan na maulit pa ang naganap na malagim na trahedya sa karagatang sakop ng Pagbilao, Lucena City noong Abril 12, 2002 ng umaga.

Sinabi ni PCG Vice Admiral Reuben Lista na kinakailangang maitala sa listahan ng passenger manifest ang lahat ng pasahero maging bisita ng mga opisyal, truck driver at pahinante ng mga maglalayag na barko.

Pinag-aaralan din ng mga opisyal ng Phil. Coast Guard (PCG) at MARINA na ipagbawal din ang paglululan sa mga pampasaherong barko ang mga kalakal na madaling magliyab na naging katulad ng M/V Maria Carmela na pag-aari ng Montenegro Shipping Lines.

Kasunod nito, pito sa 12 barkong pag-aari ng Montenegro Shipping Lines ay nasiyasat na ng PCG ngunit anim lamang na barko ang pinayagang makapaglayag matapos na hindi pumasa sa fire drills.

Ayon pa kay Lista na nakikipagtulungan na ang mga opisyal ng nabanggit na shipping lines sa pamamagitan nang pagsusumite ng mga kaukulang records at dokumento ng kanilang 12 barko sa isinasagawang imbestigasyon. (Ulat nina Grace Amargo at Tony Sandoval)

ABRIL

COAST GUARD

GRACE AMARGO

LUCENA CITY

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

MONTENEGRO SHIPPING LINES

TONY SANDOVAL

V MARIA CARMELA

VICE ADMIRAL REUBEN LISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with