^

Probinsiya

Pulis, trader kinasuhan ng kidnapping at murder

-
MALOLOS, Bulacan – Isang pulis ng Mexico, Pampanga at may-ari ng puneraria ang pormal na sasampahan ng kaso matapos na masangkot sa kidnapping at murder dahil sa pagtatago umano ng bangkay ni Antonio San Jose na dinukot ng dalawang pulis noong Pebrero 16, 2002 bago natagpuang patay sa Brgy. San Isidro-Laug, Mexico, Pampanga.

Sina PO3 Renato L. Sese at Pablo P. Tumang, 69, may-ari ng Tumang Funeral Services sa Brgy. Parian, Mexico, Pampanga ay "accessories" sa kasong kidnapping at murder na pinaniniwalaang kinasabwat nina PO3 Cecilio Galvez at PO3 Eugenio Raymundo ng Balagtas PNP station na positibong kinilala ng mga nakasaksi na dumukot sa biktima.

Nalalagay naman sa balag ng alanganin na masibak sa puwesto ang kanilang hepe na si P/Chief Insp. Adriano Enong dahil sa command responsability. (Ulat ni Efren Alcantara)

ADRIANO ENONG

ANTONIO SAN JOSE

BRGY

CECILIO GALVEZ

CHIEF INSP

EFREN ALCANTARA

EUGENIO RAYMUNDO

PABLO P

PAMPANGA

RENATO L

SAN ISIDRO-LAUG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with