^

Probinsiya

Killer ng Mindoro mayor tinodas ng NPA rebels

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isa sa mga suspek na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa Mindoro mayor ang iniulat na tinodas ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army saka idinamay din ang kanyang asawa kamakalawa ng umaga sa Sitio Ibuyan, Brgy. Calsapa, San Teodoro, Oriental Mindoro.

Sa ulat na isinumite kay P/Chief Supt. Domingo Reyes, PNP Region 4 director, sina Expedito Albarillo, 40 at asawang si Emmanuela ay may palatandaang pinahirapan muna saka pinatay at itinapon sa 50 metro ang layo mula sa likod ng kanilang bahay.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na bandang alas-6 ng umaga ay nakarinig na lamang ang mga kapitbahay ng mag-asawa na walang tigil sa pagtahol ang mga aso sa likurang bahagi ng bahay sa hindi nabatid na dahilan.

Nang puntahan ng ilang kapitbahay ay bumulaga na lamang sa kanila ang bangkay ng mag-asawa na nakatali pa ang mga paa at kamay at hindi nabatid na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat, si Expedito ay napaulat na isa sa mga responsable sa pagpatay kay Mindoro Mayor Oscar Aldaba ng Mindoro Oriental.

Si Aldaba na pinaniniwalaang masugit na taga-suporta ng makakaliwang kilusan ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong hindi kilalang kalalakihan sa harap ng simbahan ng Immaculate Concepcion sa San Teodoro, Oriental Mindoro may dalawang taon na ang nakalilipas.

May teorya ang pulisya na nilikida si Expedito at idinamay pa ang asawa bilang paghihiganti sa ginawang krimen. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

CHIEF SUPT

DOMINGO REYES

EXPEDITO

EXPEDITO ALBARILLO

IMMACULATE CONCEPCION

MINDORO MAYOR OSCAR ALDABA

MINDORO ORIENTAL

ORIENTAL MINDORO

SAN TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with