^

Probinsiya

P120-M troso nasabat sa Quezon

-
INFANTA, Quezon – Tinatayang aabot sa halagang P120 milyon troso na nakalutang sa ilog ng Agos sa Brgy. Magsaysay at Brgy. Kakahuyan ang nasabat ng mga elemento ng Task Force Kalikasan.

Ang pagkakadiskubre sa mga troso ay ipinabatid ni Dumagat Tribal Governor Thelma Aumentado na nakaambang ipuslit anumang araw.

Sa binuong composite team ng Southern Luzon Command na pinamumunuan nina P/Sr. Supt. Roberto Rosales, P/Supt. Jose Recuenco at Gov. Willie Enverga ay kaagad na kinumpiska ang nasabat na trosong "Red Lawaan" na nakakalat sa may apat na kilometrong lawak ng nabanggit na ilog.

Napag-alaman pa sa ulat na may 100 mini-sawmill sa dalawang barangay na ginagamit ng mga illegal logger sa pagtabas upang maipuslit ang mga pinutol na troso.

Umaabot na sa tatlong milyong board feet na pinagputol-putol na kahoy ang nakumpiska na ng Task Force Kalikasan nitong nakaraang linggo. (Ulat nina Tony Sandoval/Ed Amoroso)

BRGY

DUMAGAT TRIBAL GOVERNOR THELMA AUMENTADO

ED AMOROSO

JOSE RECUENCO

RED LAWAAN

ROBERTO ROSALES

SOUTHERN LUZON COMMAND

SR. SUPT

TASK FORCE KALIKASAN

TONY SANDOVAL

WILLIE ENVERGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with