Obrero tinodas ng karibal sa pag-ibig

BALUD, Masbate – Binaril at napatay ang isang 19-anyos na obrero ng kanyang karibal sa pag-ibig habang naglalakad papauwi kamakalawa ng gabi sa Barangay Poblacion sa bayang ito.

Si Claudio Biscan, binata ng Barangay Tunga ay napatay ng karibal na si Melchor Malinao, 20, binata ng Barangay Panubigan na kasalukuyang tinutugis ng pulisya.

Base sa ulat ng pulisya, inabangan ng suspek ang biktima na lumabas mula sa bahay ng nililigawang dalaga bandang alas-11:30 ng gabi saka isinagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments