Namatay habang ginagamot sa Magsaysay Memorial Hospital si Sgt. Oscar Taberdo ng Barangay Mabini ng naturang lugar, samantala, ang mga nasugatang biktima ay nakilalang sina Elena Jubilo, 53; Eduardo Lamesiria, 37 at anak nitong si Ian na pawang residente ng Barangay Sumulong.
Sa ulat ni P/Sr. Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP provincial director, naganap ang krimen dakong alas-6:45 ng gabi matapos na magtalo sa hindi nabatid na dahilan ang biktima at Edelberto Jubilo hanggang sa mauwi sa madugong krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)