Sundalo pinatay sa videoke bar
April 8, 2002 | 12:00am
CALAUAG, Quezon Isang sundalo na nakatalaga sa 51st Engineering Brigade ang iniulat na nasawi makaraang saksakin sa loob ng Elyns videoke bar ngunit bago mapatay ang biktima ay nakabaril pa ng tatlo kamakalawa ng gabi sa Barangay Sumulong sa bayang ito.
Namatay habang ginagamot sa Magsaysay Memorial Hospital si Sgt. Oscar Taberdo ng Barangay Mabini ng naturang lugar, samantala, ang mga nasugatang biktima ay nakilalang sina Elena Jubilo, 53; Eduardo Lamesiria, 37 at anak nitong si Ian na pawang residente ng Barangay Sumulong.
Sa ulat ni P/Sr. Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP provincial director, naganap ang krimen dakong alas-6:45 ng gabi matapos na magtalo sa hindi nabatid na dahilan ang biktima at Edelberto Jubilo hanggang sa mauwi sa madugong krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest