Kartero na nagbulgar ng anomalya ginigipit

ANGELES CITY – Kasalukuyang nakararanas ng panggigipit sa kanyang co-workers at ilang opisyal ng Phil. Postal Corp. (PPC) sa Barangay Balibago ang isang postman makaraan ang ginawang pagbubulgar ng malawakang anomalya sa loob ng nabanggit na tanggapan.

Si Rey Kabigting na nagbigay ng kopya ng videotapes sa National Bureau of Investigation (NBI) na naaktuhan ang modus operandi ng ilang postmen ay nagsumite ng leave of absence noong Huwebes dahil sa naramdamang pressure mula sa kanyang kasama sa trabaho na tumahimik.

Sinabi ni Kabigting na noong Miyerkules lamang ay nakatanggap siya ng memorandum mula sa kanyang superior na inililipat siya sa San Nicolas office kahit walang malinaw na dahilan. (Ulat ni Ding Cervantes)

Show comments