^

Probinsiya

Buntis binagsakan ng bato sa mukha ng kalaguyo

-
DASMARIÑAS, Cavite – Napatay ang isang ginang na apat na buwang buntis ng kanyang kalaguyo makaraang bagsakan ng malaking tipak na bato sa mukha kahapon ng madaling-araw sa Barangay San Agustin, Pala-Pala sa bayang ito.

Wasak ang mukha ng biktimang si Theresa Adraque, 30, may asawa, empleyado ng Anchor Company at residente ng 183 P. Parada St., San Juan, Metro Manila.

Samantala, kaagad namang nadakip ang suspek na empleyado ng Mercury Drug Store na si Daniel Buesa, alyas Bong, 30, may asawa, ng 140 Int. Alvarez Compound, Maybunga, Pasig City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Carlito Gener, naganap ang krimen bandang ala-1 ng madaling-araw.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na ang dalawa ay mula pa sa Maynila bago magtutungo sa isang kaibigan sa Trece Martirez City at sa hindi naipaliwanag na dahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Inamin naman ng suspek na ang dinadalang sanggol ng biktima ay sa kanya at kaya lamang nagawa ang krimen ay sa dahilang sinigawan siya na nagresulta upang magdilim ang kanyang paningin. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ALVAREZ COMPOUND

ANCHOR COMPANY

BARANGAY SAN AGUSTIN

CARLITO GENER

CRISTINA GO-TIMBANG

DANIEL BUESA

DRUG STORE

METRO MANILA

PARADA ST.

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with