8 mangingisda timbog sa dinamita

KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Walong mangingisdang sakay ng apat na bangka ang dinakip ng mga awtoridad makaraang maaktuhang gumagamit ng dinamita sa karagatang sakop ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Richard Valencia, Manuel San Juan, Jonathan Sandre, Edgardo Francisco, Jun Rey Rosema, Richard Despe, Rey Osa at Alex Amano na pawang residente ng Barangay Libtong, Rosario I, Cavite.

Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, Bulacan PNP provincial director, namataan saka dinakip ang mga suspek bandang alas-7 ng umaga habang nagpapasabog ng dinamita sa layong apat na kilometro mula sa dalampasigan ng nabanggit na lugar. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments