Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Maria Luz Silva, Ryan Ojacastro at Carlos Pananinan.
Kinilala naman ang nasa kritikal na kondisyon na si Lyn-Lyn Padiron na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pinakamalapit na pagamutan.
Batay sa ulat, dakong alas-3:15 ng hapon habang ang mga biktima ay lulan ng isang truck na pag-aari ng negosyanteng si Judy Silva nang maganap ang malagim na sakuna sa Lower Kiumpo, Brgy. Kinam, Malapatan sa nasabing lalawigan.
Sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang manibela ng truck hanggang sa sumalpok ito sa isang malaking puno at tuluyang tumaob na siyang ikinasawi ng mga biktima.
Mabilis namang nagresponde ang isang team ng Alpha Company ng Armys 27th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Cpl. Jovener Raymundo at tinulungang maiahon ang mga bangkay habang dinala naman ang nasugatan sa pinakamalapit na pagamutan. (Ulat ni Joy Cantos)