Aide ng mayor dedo sa ambus
March 26, 2002 | 12:00am
SAN MIGUEL, Bulacan Isang pulis na pinaniniwalaang aide ni San Ildefonso Mayor Edgardo Galvez ang napaulat na tinambangan at napatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan matapos na ihatid ang asawa sa pinapasukang ospital sa Brgy. Sta. Rita sa bayang ito kahapon ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang biktimang si SPO1 Jessie Rivera, 38, na nakatalaga sa San Ildefonso Police Station ay inihatid ang asawa sa San Miguel District Hospital bilang medical technologist.
Ayon pa sa ulat, pagkababa ng asawa ni Rivera sa kanyang kotseng Toyota Corolla na kulay gray (PSU-614) ay biglang sumulpot ang mga hindi kilalang armadong kalalakihan at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na kaagad naman ikinasawi nito.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang sampung basyo ng kalibre .45 pistola.
May palagay ang mga imbestigador na pinag-aralang mabuti ng mga killer ang mga galaw ng biktima dahil sa araw-araw ay inihahatid nito ang kanyang asawa sa nabangit na ospital.
Sinabi naman ni Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña na posibleng paghihiganti ng isang malaking sindikato ang motibo ng pananambang sa biktima.
Simula noong Sabado ay isinailalim na ni Acuña ang Bulacan PNP upang pigilin ang anumang pagbabanta ng mga masasamang elemento sa darating na Semana Santa. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest