Giyera ng 2 angkan; 5 patay, dami pa grabe
March 25, 2002 | 12:00am
TAWI-TAWI - Lima katao ang kumpirmadong nasawi, samantala, hindi pa mabatid ang bilang ng mga nasugatan makaraang sumiklab ang madugong sagupaan ng magkalabang dalawang angkan sa Brgy. Baunoh Garing, Panglima Sugala ng nabanggit na lugar noong Huwebes ng umaga.
Sa kasalukuyan ay may namumuo pa ring tensyon sa pagitan ng angkan na pinamumunuan ni Aming Bani at ang kalabang angkan naman na pinamumunuan ni Nasul Hatib ng nabanggit na barangay.
Nasawi sa panig ni Hatib ay sina Madrigal Hatib at Cesar Alab, samantala, sa kabilang panig ng grupo at tatlong kalalakihang hindi pa nabatid ang mga pangalan.
Ayon sa ulat, naganap ang pangyayari bandang alas-11:30 ng umaga makaraang magsalubong ang dalawang angkan sa nabanggit na barangay.
Tumagal ang madugong sagupaan ng may limang oras na nagresulta rin sa pagkasugat ng malubha ng anim na suporter ni Hatib na sina Nasul Hatib, Basri Paradji, Maridol Salabi, Alah Andula Kamdon, Mauwagmil Alibasa at Musa Paradji.
Hindi nabatid ng mga nagrespondeng militar at pulisya ang mga pangalan ng malubhang nasugatan sa panig naman ni Bani.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya na ang angkan nina Hatib at Bani ay pawang kilalang warloards sa Tawi-Tawi at matagal ng may alitan sa kanilang pamilya.
Kaagad naman napayapa ng mga nagrespondeng militar at pulisya na nakabase sa nabanggit na isla ang madugong sagupaan. (Ulat nina Jaime Laude at Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am