Si Renato Limboc, alyas kapitan Ato ng Brgy. Bendita I, Magallanes, Cavite ay responsable sa pagkamatay ni Joe Gaa, ayon sa ulat ng pulisya.
Naganap ang krimen bandang alas-9 ng gabi makaraang makihalubilo ang suspek sa usapan ng biktima at ilang kaibigan nito tungkol sa nalalapit na barangay election.
Dahil sa maselang isyu ay nagtalo ang dalawa hanggang sa mapikon ang suspek at pagbabarilin na lamang ang biktima. (Ulat ni Ed Amoroso)