^

Probinsiya

Dentista patay, 3 grabe sa car mishap

-
LUCBAN, Quezon – Isang lady dentist ang iniulat na nasawi, samantala, tatlo pang iba ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang sinasakyang pick-up ng mga biktima sa malalim na creek sa Brgy. May-it sa bayang ito noong Marso 18 ng gabi.

Si Gina Carida Bernardo, 34, driver ng nahulog na Nissan Frontier pick-up ay nasawi, samantala, ang kasamahan na grabeng nasugatan ay nakilalang sina Nataniel Mata, 34, ng #4 Plaridel St.; Rechie Beatriz y Enata, 30, ng Countryside Village at Margarita Platino, 30, dalaga, ng 15 Regidor St. ng naturang bayan.

Nabatid sa ulat ng pulisya, naganap ang aksidente bandang alas-11:14 ng gabi makaraang iniwasan ng sasakyang minamaneho ni Gina ang sako ng basura sa tulay ng Prinsesa kaya nawalan ng kontrol at nagtuluy-tuloy sa malalim na creek.

Kaagad namang ipinaalam ang pangyayari sa asawa ni Gina na isang kontratista ng DPWH sa 1st district ng Quezon na nakatira sa Red-V Subd., Brgy. Ayuli ng naturang lugar. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BRGY

COUNTRYSIDE VILLAGE

GINA

MARGARITA PLATINO

NATANIEL MATA

NISSAN FRONTIER

PLARIDEL ST.

QUEZON

RECHIE BEATRIZ

RED-V SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with