2 tinedyer dinedo sa sayawan
March 19, 2002 | 12:00am
DARAGA, Albay Dalawang tinedyer na lalaki ang napaulat na napatay makaraang pagsasaksakin ng isang 19-anyos na lango sa droga habang nagsasayaw sa party sa Brgy. Inarado sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktimang sina Marty Nuarin, 18 at Jesus Leron, 20 na kapwa residente ng Brgy. Binitayan ng nabanggit na lugar.
Samantala, ang suspek na hindi inabutan ng mga tumutugis na barangay tanod ay nakilalang si Domingo Nebrera, Jr., 19, binata ng Brgy. Cotmon, Camalig, Albay.
Nabatid sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng sayawan sa naturang lugar.
Nasagi umano ng mga biktima ang nagsasayaw na suspek kaya napilitang lumabas dahil sa napahiya sa ka-partner na babae.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, biglang sumulpot ang suspek na may hawak na patalim at sinugod ng saksak ang dalawa at napatay. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Jorge Hallare | 22 hours ago
Recommended