^

Probinsiya

2 bagets tinarakan sa sayawan, todas

-
DARAGA,Albay - Dalawang kabataang lalaki ang namatay sa pagamutan matapos na sila ay saksakin sa isang sayawan sa Brgy. Inarado,kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima na namatay habang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay sina Marty Nuarin,18 at Jesse Leron,20,kapwa binata ng Brgy.Binitayan.

Samantala ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang si Domingo Nebrera Jr.,19,binata ng Brgy. Cotmon,Camalig,Albay.

Sa ulat ng pulisya,dakong alas-11:30 ng gabi ay kapwa nagsasayawan ang mga biktima at suspek sa isang sayawan ng masagi ng una ang huli.

Ikinagalit ito ng suspek at sa muling pagsasayaw ay lumapit ito at inundayan ng mga saksak ang walang kamalay-malay na biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BINITAYAN

BRGY

COTMON

DALAWANG

DOMINGO NEBRERA JR.

ED CASULLA

JESSE LERON

MARTY NUARIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with