^

Probinsiya

3 patay sa banggaan ng truck at motorsiklo

-
TAYTAY, Rizal Tatlong lalaki ang kumpirmadong nasawi matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang delivery truck, kahapon ng madaling araw sa bayang ito.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Allan de Vera, 23, driver ng Kawasaki motorcycle; Louie del Rosario, 26 at Allan Morales, 28; pawang mga residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na matuling binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Manila East Road pauwi sa kanilang bahay dakong alas-3 ng madaling araw nang isang truck ng yelo ang biglang lumitaw sa kanilang harapan sa isang kurbadong bahagi ng kalsada.

Hindi na nagawa pang makapagpreno ng parehong sasakyan sanhi upang diretsong sumalpok ang motorsiklo sa truck at tumalsik ang tatlong sakay nito sa sementadong kalsada.

Hindi naman naaresto ng mga rumespondeng pulis ang driver ng naturang truck nang paharurutin nito ang sasakyan at tuluyang takasan ang kanyang mga biktima.

Inabandona naman ng driver nang minamanehong delivery truck (CMX-391) sa hindi kalayuang pinangyarihan ng aksidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALLAN MORALES

DANILO GARCIA

INABANDONA

KAWASAKI

MANILA EAST ROAD

RIZAL

TATLONG

TRUCK

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with