Bangkay ng British national natagpuan
March 17, 2002 | 12:00am
CEBU CITY Natagpuan ng pulisya ang isang naagnas na bangkay ng isang British national sa loob ng tinutuluyang hotel sa nabanggit na lungsod noong Biyernes ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si David John Young, 23, tubong Clackmannanshire, Scotland.
Ayon sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang bangkay matapos na umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa loob ng tinutuluyang kuwarto ng biktima.
Nababalutan ng itim na plastic garbage bag ang ulo ng biktima saka natagpuan ang isang liham na naka-adress kina John at Norean Young na hango sa kanta ng dayuhang rock band, ayon sa pulisya.
Ipinarating na ng mga awtoridad sa British embassy ang pangyayari at bineberipika pa ang kaugnayan ng biktima sa mga nabanggit na pangalan. (Ulat ng AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am