^

Probinsiya

Bomba sa unibersidad nadiskubre

-
COTABATO CITY –Naunsiyami ang isasagawang pagpapasabog sa isang unibersidad matapos na madiskubre ng mga awtoridad ang bomba na inilagay sa waiting shed malapit sa labasan ng mga estudyante ng Norte Dame University kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Army Col. Essel Soriano, hepe ng Task Force Cotabato na ang home-made bomb na nadiskubre bago sumabog ay tumitimbang ng tatlong kilo na nakalagay sa cylinder na may Ammonium Nitrate at bateryang mekanismo upang sumabog.

Nadiskubre ang bomba makaraang mamataan ng mga istambay na kalalakihan ang kahina-hinalang kahon sa naturang lugar kaya kaagad nilang ipinagbigay-alam sa guwardiya ng naturang unibersidad saka ipinaabot sa pulisya.

Idinagdag pa ni Soriano na ang bomba ay na-detonated naman bago sumabog ng mga tauhan ng Army’s 6th Ordance and Explosive Detachment sa pamumuno ni Capt. Ferdinand Escalante.

"Kung sakaling hindi nadiskubre ang bomba at sumabog ay aabot sa radius na 200 metro ang layo nito na posibleng marami ang nasawi dahil sa itinaon sa labasan ng mga estudyante ang pagsabog", ani Soriano.

Nabatid pa kay Soriano na ang nadiskubreng bomba ay ikawalo na simula pa noong Enero sa nabanggit na lungsod. (Ulat ni John Unson)

AMMONIUM NITRATE

ARMY COL

CAPT

ESSEL SORIANO

FERDINAND ESCALANTE

JOHN UNSON

NORTE DAME UNIVERSITY

ORDANCE AND EXPLOSIVE DETACHMENT

SORIANO

TASK FORCE COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with