P34-M marijuana sinunog
March 15, 2002 | 12:00am
CAMP GEN. OSCAR FLORENDO, Ilocos Sur - Umaabot sa 220,000 puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P34 milyon ang nadiskubre at sinunog ng mga tauhan ni Region 1 Director P/Chief Supt. Art Lomibao sa isinagawang pagsalakay sa Mt. Sayangan, Sitio Nagawa, Sugpon, Ilocos Sur kamakalawa.
Sa ulat ni SPO2 Rogelio Cabello, hepe ng pulisya sa Sugpon PNP, nadiskubre ang plantasyon ng marijuana habang sila ay nagpapatrolya sa nabanggit na barangay.
Bukod sa mga punong marijuana ay narekober din ng pulisya ang 35 kilong pinatuyong dahon ng ipinagbabawal na halaman sa isang kubo na pinaniniwalaang nakatakdang i-deliver sa hindi nabatid na lugar. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended