^

Probinsiya

Pagtatanim ng kape inilunsad sa Zambales

-
IBA, Zambales — Inilunsad kamakalawa ng Department of Agrarian Reform ang kauna-unahang proyektong pagtatanim ng "kape" sa ginanap na seremonya sa Brgy. Sta. Rita, Masinloc, Zambales.

Nilagdaan na ang memorandum of agreement nina Gov. Vicente Magsaysay, Mayor Jesus Edora, Dave Santos, asst. vice-president sa agricultural services, Nestle Phils., Inc., Linda Hermogina, DAR regional director at Edson Arceo, provincial agrarian reform officer II.

Pinagkalooban din ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ang may 40 magsasaka mula sa 70 ektaryang lupain na pagtataniman ng kape.

Nagbigay naman ng karagdagang P.5 milyon pondo si Zambales Gov. Vicente Magsaysay sa lokal na pamahalaan ng Masinloc upang idagdag sa naunang pondong nagkakahalagang P.2 milyon para sa nabanggit na proyekto. (Ulat ni Erickson Lovino)

CERTIFICATE OF LAND OWNERSHIP AWARD

DAVE SANTOS

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

EDSON ARCEO

ERICKSON LOVINO

LINDA HERMOGINA

MASINLOC

MAYOR JESUS EDORA

NESTLE PHILS

VICENTE MAGSAYSAY

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with