Pinangunahan ni Negros Oriental Rep. Herminio Teves ang pagpapasiyasat sa katiwalian base sa inihaing resolusyon sa Kamara dahil sa mga reklamo sa Department of Education (DepEd).
Base sa resulta ng pinakahuling head count sa Central Visayas, lumilitaw na sa kabuuang 5,839 guro na nakatala sa non-teaching post ay 1,666 lamang ang natukoy ang lokasyon kung saan malinaw na nawawala ang may 4,173 personnel.
Sinabi ni Teves na dapat ipaliwanag muna ng DepEd ang mga "ghost" employees bago mag-hire ng karagdagang 20,000 bagong guro para sa napipintong pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo na pinopondohan ng Kongreso.
Maliban kay Teves, kabilang sa mga lumagda sa resolusyon para isulong ang imbestigasyon sa katiwalian ng DepEd ay sina Antonio Cuenco, Jose Gullas, Raul del Mar, Joseph Durano, Simeon Kintanar, Clavel Martinez, Nerissa Ruiz at Antonio Yapha; pawang mula sa Cebu; Edgardo Chatto, Roberto Cajes at Eladio Jala ng Bohol; Emilio Macias II at Jacinto Paras ng Negros Oriental at Orlando Fua ng Siquijor. (Ulat ni Joy Cantos)