^

Probinsiya

Korean trader na kinidnap patay na?

-
GENERAL SANTOS CITY – Pinaniniwalaang namatay sa sakit ang kinidnap na negosyanteng Koreano ng mga tauhan ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Kumander Tigre Jakiri noong nakaraang Pebrero 6, 2002 sa hangganan ng Maitum, Sarangani at Palimbang, Sultan Kudarat.

Ang kumalat na balita na namatay sa sakit si Jae Kwoon Yoon ay kinumpirma ng isang kumander ng MILF rebels kay Kiamba Mayor Raul Martinez.

Kasama ni Jae na kinidnap noong Pebrero 6, 2002 dakong alas-10 ng umaga ng mga tauhan ni MILF Kumander Jakiri ay si Carlos Belonio, may-ari ng Tierra Verde Hotel sa Cotabato City.

Sinabi ni Martinez na maugong ang balitang patay na ang Koreanong trader na kasama ni Belonio at kinumpirma ito noon lamang Biyernes.

Binalewala naman ni Col. Pedrito Magsino ang kumakalat na balita dahil sa hindi matagpuan ang bangkay ng biktima at kasalukuyan pang nangangalap ng impormasyon ang militar kung may katotohanan nga ang masamang balita.

Nagpakalat na rin ng isang team si P/Sr. Supt. Bartolome Baluyot, Central Mindanao police director upang beripikahin ang nasabing ulat na pinaniniwalaang ipinakalat ng mga rebelde upang magsitigil na ang tumutugis na mga awtoridad. (Ulat ni Boyet Jubelag)

BARTOLOME BALUYOT

BOYET JUBELAG

CARLOS BELONIO

CENTRAL MINDANAO

COTABATO CITY

JAE KWOON YOON

KIAMBA MAYOR RAUL MARTINEZ

KUMANDER JAKIRI

KUMANDER TIGRE JAKIRI

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with