^

Probinsiya

2 bihag binitay ng MILF rebels

-
ZAMBOANGA CITY –Dalawa sa limang bihag na lumberjacks ng mga miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang napaulat na binitay makaraang dukutin ang mga biktima habang nagpuputol ng punong-kahoy sa Brgy. Upper Lunday noong Biyernes.

Isa sa mga nakaligtas na biktima ay nakuhang makatakas bago isagawa ang pamamaslang sa kanyang mga kasamahan at naipagbigay kaagad ang pangyayari sa tropa ng militar na nakabase sa Sitio Sibuco, Zamboanga del Norte may ilang kilometro lamang ang layo mula sa Zamboanga City.

Kinilala ni Lt. Col. Buenaventura Pascual, Army’s 44th Infantry Battalion Commander ang mga binitay na biktima na sina Manuel Midel at Regino Savedra, samantala, ang mga nakaligtas sa tiyak na kamatayan ay sina Felino Delos Reyes at Manuel Lacastesantos.

Sinabi pa ni Pascual na ang ikalimang bihag na nakatiyempong makatakas mula sa mga kamay ng rebelde ay nakilalang si Reuben Basilio.

Ayon pa sa ulat, magkakasamang nagtungo ang limang biktima sa nabanggit na barangay upang mang-hunting at mamutol ng punong-kahoy dala ang kanilang powersaw at ilang kagamitan nang harangin ng aabot sa 50 MILF rebels sa pamumuno ni Kumander Pol Manamat.

Idinagdag pa ni Pascual na ginawang parang baboy ang mga biktima mula sa naturang lugar bago isinagawa ang pagbitay.

Nabatid pa sa ulat ng militar na ang mga tauhan ni Manamat ay naghahasik ng lagim sa mga bayan Sibuco, Sirawai, Siocon at Baliguian sa Zamboanga del Norte.

Kasunod nito, may nakalap na impormasyon ang militar mula sa kanilang asset na magsasagawa ng opensiba ang mga rebeldeng MILF laban sa mga sundalo ng gobyerno at sibilyan upang sirain ang naantalang peace talks. (Ulat ni Roel Pareño)

BUENAVENTURA PASCUAL

FELINO DELOS REYES

INFANTRY BATTALION COMMANDER

KUMANDER POL MANAMAT

MANUEL LACASTESANTOS

MANUEL MIDEL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTE

REGINO SAVEDRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with