^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Barangay tanod dinedo habang nagroronda
PILAR, Sorsogon – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay tanod ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagroronda sa Barangay Lunguib sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng anim na tama ng bala ng kalibre 45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Domingo Velasco, 42, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na nilapitan ang biktima ng dalawang armadong lalaki dakong alas- onse ng gabi habang nagsasagawa ng pagroronda sa kanilang barangay saka sunod-sunod na pinaputukan sa hindi pa mabatid na dahilan. (Ulat ni Ed Casulla)
131 bahay naabo, 2,000 pamilya naapektuhan
BUTUAN CTIY – Umaabot sa 131 kabahayan ang tinupok ng apoy, samantala, aabot sa 2,000 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog sa nabanggit na lungsod kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay City Fire Marshall Ricardo Racaza, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang nagngangalang Faisal Macapantan bandang alas-dos ng madaling-araw at mabilis na kumalat sa kalapit bahay partikular na ang Muslim Mosque na nagresulta upang maapektuhan ang nabanggit na bilang ng mga residente na karamihan ay pawang mga Muslim.

Pinabulaanan naman ni Faisal ang akusasyon ng ilang residente at nagsabing sa kanyang kapitbahay nagsimuala ang apoy. (Ulat ni Ben Serrano)
Magsasaka pinatay dahil sa pakwan
GENERAL TRIAS, Cavite – Sabog ang bungo at napatay ang isang magsasaka ng dalawang kainumang kapitbahay na lalaki makaraang pagbabarilin dahil sa pagtatalo sa isyu nang pagtatanim ng pakwan sa Barangay Bacao 2 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi mabatid na bilang ng tama ng bala ng baril ang pumasok sa katawan ni Rosalio Balbin, 45, may asawa at residente ng Barangay Bagbag 1, Rosario, Cavite, samantala, tinutugis naman ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina Mario Huberos, 45 at isang alyas Jerome na kapwa magsasaka at naninirahan sa Barangay Bacao ng bayang ito.

Naganap ang krimen bandang alas-7 ng gabi makaraang magtalo ang tatlo na lango sa alak hanggang sa mauwi sa pagkairita ng dalawa sa biktima kaya pinaslang nila ito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Senglot na maingay tinodas ng kapitbahay
SAN MATEO, Rizal – Isang 38-anyos na lalaki na pinaniniwalaang lango na sa alak ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang kapitbahay na lalaki makaraang mairita ang huli sa pag-iingay ng biktima sa Sitio Ibayo, Barangay Mall ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Si Virgilio Ponce na nagtamo ng maraming saksak ng patalim sa katawan ay idineklarang patay sa pinagdalhang ospital, samantala, ang suspek na tumakas ay nakilalang si Ambet Lanang na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na kasalukuyang natutulog ang suspek ng magising bandang alas-dos ng madaling-araw dahil sa pag-iingay ng biktima kaya tinungo nito saka isinagawa ang krimen. (Ulat ni Lordeth Bonilla)
1,500 kahon ng toyo, suka hinayjak
SAN RAFAEL, Bulacan – Aabot sa 1,500 kahon ng produktong toyo at suka na nagkakahalaga ng P.2 milyon ang napaulat na hinayjak ng mga armadong kalakakihan noong Huwebes ng madaling-araw sa Barangay Kapihan ng bayang ito.

Kaagad namang dumulog sa himpilan ng pulisya ang driver at dalawang pahinante na nakilalang sina Raul Susana, 50; driver ng Fuzo 10-wheeler cargo truck (WLY-227), Odelon Sucdang, 44 ng Marulas, Valenzuela at Rodel Casirence, 21 ng Novaliches, Quezon City na pawang ibinaba sa Barangay Cambaog, Bustos, Bulacan makaraang harangin ng dalawang kotse na walang plaka ang kanilang sasakyan bandang alas-dos ng madaling-araw sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Efren Alcantara)

AMBET LANANG

BARANGAY

BARANGAY BACAO

BARANGAY BAGBAG

BARANGAY CAMBAOG

BARANGAY KAPIHAN

CENTER

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with