2 Barangay Chairmen todas sa ambush
March 10, 2002 | 12:00am
BANGUED, Abra Dalawang barangay chairmen mula sa bayan ng Penarrubia ang kumpirmadong napatay sa ambush ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki habang ang mga biktima ay dadalo sa Arya Abras 85th founding anniversary kahapon ng umaga.
Kinilala ni PO1 Posedio Abellera ang mga biktimang sina Punong-barangay Restituto Venosa ng Tattawa at Punong-barangay Reynaldo Bataller ng Barangay Namarabar sa Penarrubia.
Sa ulat ni P/Supt. Rimas Calixto, hepe ng Intelligence and Investigation Division-PRO-Cordillera na kasalukuyang nanonood ng parada ng mardi gras ang mga biktima sa magkahiwalay na lugar bandang alas-9:30 ng umaga nang lapitan ng mga killer saka pinaputukan.
Narekober ng pulisya sa kinaganapan ng krimen sa Penarrubia St., Zone 4 ang ilang basyo ng bala ng kalibre 45 baril na ginamit kay Bataller, samantala, kay Venosa naman ay kalibre 22 magnum.
Nabatid sa ulat ng pulisya na tinangay ng mga killer ang baril ni Bataller at ang baril naman ni Venosa ay nakasukbit pa sa beywang.
Ang dalawang napaslang na biktima ay kapwa malapit na kaibigan ni Penarrubia Mayor Antonio Dumesag.
Ayon sa salaysay ng asawa ni Bataller sa pulisya na nagkaroon ng personal na alitan noong Enero ang kanyang mister sa isang municipal councilor ng Lagayan na nakatira sa kanilang barangay.
May palagay ang pulisya na hindi lang nag-iisang killer ang nagsagawa ng krimen at masusing sinisiyasat at nangangalap ng impormasyon kung may kinalaman sa politika ang motibo ng pamamaslang sa dalawa. (Ulat nina Ave Bello at Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest