^

Probinsiya

Senglot na namaril sa party tinodas ng konsehal

-
PANIQUI, Tarlac – Binaril at napatay ang isang 34-anyos na lalaki ng isang municipal councilor makaraang mag-amok at mamaril ang biktima sa birthday party ng huli sa Purina-Belgro compound sa Brgy. San Julian, Moncada noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni SPO1 Marlon Gamutia ang biktima na si Jing Ubaldo, may asawa ng Brgy. Poblacion West, Sta. Ignacia, Tarlac.

Samantala, kusang-loob namang sumuko sa pulisya si Dante Belarmino, konsehal sa munisipyo ng Paniqui, Tarlac.

Naganap ang pangyayari dakong alas-10 ng gabi habang nagdaraos ng birthday party si Belarmino.

Sa ulat ng pulisya, nagpupumilit na makapasok ng compound ang biktimang lango sa alak ngunit pinigilan ni Jovencio Castillo, isang security guard.

Nagawang maagaw ng biktima ang baril ni Castillo saka inihataw nito sa mukha.

Malayang nakapasok ang biktima sa pinagdarausang birthday party bago nagpaputok sa ere hanggang sa payapain naman ni Belarmino ngunit pinaputukan ang konsehal.

Mabilis naman nakailag si Belarmino at gumanti naman ito ng putok kaya tinamaan ang biktima at sa ospital na lamang binawian ng buhay. (Ulat ni Benjie Villa)

vuukle comment

BELARMINO

BENJIE VILLA

BRGY

DANTE BELARMINO

JING UBALDO

JOVENCIO CASTILLO

MARLON GAMUTIA

POBLACION WEST

SAN JULIAN

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with