^

Probinsiya

2 babae minasaker sa beauty salon

-
LEGAZPI CITY – Dalawang babae ang iniulat na minasaker sa loob ng beauty salon sa Rizal St., Old Albay district sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang biktima na nagtamo ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang sina Marilyn Jentalan, 23, isang beauty salon attendant at Agnes Bagalay, 24, dalaga, isang graduating student sa Bicol College of Arts and Trade na kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng dalawa bandang alas-6:30 ng gabi sa loob ng Farhana skin care and beauty salon na pag-aari ng kapatid ni Bagalay.

Sa ibinigay na salaysay ni Joel Terrazona sa pulisya na susunduin na sana niya si Marilyn sa pinapasukang beauty salon nang bumungad ang duguang bangkay ng dalawa makaraang buksan niya ang pintuan ng naturang lugar.

Napag-alaman pa na malapit ng ikasal sina Joel at Marilyn sa buwang kasalukuyan dahil sa nalalapit na pagtatapos ng pag-aaral ng lalaki.

Ayon pa sa impormasyong nakalap ng PSN, bago pa maganap ang brutal na krimen ay nakatanggap ng tawag sa telepono si Marilyn sa isang nagpakilalang alyas Bert na pinaniniwalaang masugid na manliligaw.

May palagay ang pulisya na may kinalaman ang mahiwagang lalaki sa pagkamatay ng dalawa sa loob ng beauty salon at kasalukuyang nangangalap ng impormasyon sa katauhan ng suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AGNES BAGALAY

AYON

BAGALAY

BATAY

BICOL COLLEGE OF ARTS AND TRADE

ED CASULLA

JOEL TERRAZONA

MARILYN JENTALAN

OLD ALBAY

RIZAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with