^

Probinsiya

2 paksyon ng rebelde nakaambang magsagupa

-
IBA, Zambales – Nakaamba sa anumang oras ang pinangangambahang malakihang sagupaan sa pagitan ng dalawang paksyon ng rebeldeng komunista kaya’t inilagay sa "double red alert" status ang buong kapulisan sa rehiyon ng Zambales.

Ito ang nakalap na ulat mula sa Regional Intelligence Unit (RIU) at sa mga opisyal ng PNP sa naturang lalawigan na anumang oras ay posibleng magkaroon ng sagupaan sa pagitan ng puwersa ng grupong Rebolusyunaryong Hukbong Bayan (RHB) at ang Josepino Corpuz Command ng New People’s Army (NPA) na pawang kumikilos sa bahagi ng Subic, Castillejos, San Marcelino at San Felipe sa Zambales.

Ayon sa isang opisyal ng PNP, ang naturang sagupaan ay may kaugnayan sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang grupo sa tinatawag na "propaganda, progressive taxation and liquidation operations" sa kanilang nasasakupang lugar.

Ang grupong RHB na pinamumunuan ng isang ‘Kumander Melan’ ay may 250 miyembro na pawang mga "regular fighters" at may 1,000 namang mga reserve fighters.

Samantalang ang rebeldeng NPA naman sa ilalim ng Josepino Corpuz Command ay pinamumunuan ng isang Teofilo Salazar alyas "Kumander Dino" na may kabuuang 350 miyembro at may 50-matataas na uri ng baril.

Mahigit sa 300 mga rebelde ang nagtipun-tipon noong nakalipas na Enero ng taong ito sa bayan ng Sta. Cruz, Zambales malapit sa tri-boundary ng Zambales, Pangasinan at Tarlac, subalit walang malinaw na impormasyon kung ano ang pakay ng naturang pagtitipon.

Napag-alaman pa sa ulat na ang grupong RHB ang nasa likod sa paglikida kay SPO3 Aquilino Manuel ng Subic Police station noong Pebrero at ang pagpatay kina Federico Bonilla, Barangay Captain ng Calapandayan, Subic at sa bodyguard nitong si Virgilio Fernandez at Eliseo "Boy" Tala, dating bodyguard ng pamilya ni Tourism Sec. Richard Gordon.

Ayon sa isang ipinalabas na press statement ni "Ka Melan" ng RHB, ang mga nabanggit na pangalan ay pawang pinaghihinalaang mga illegal supplier ng droga at protektor ng ilang mga illegal na negosyo partikular ang prostitusyon sa kanilang mga nasasakupang lugar. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

AQUILINO MANUEL

AYON

BARANGAY CAPTAIN

FEDERICO BONILLA

JEFF TOMBADO

JOSEPINO CORPUZ COMMAND

KA MELAN

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with