Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Antonio Albao, may asawa, obrero, samantalang ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Renato Albao, 22, binata, at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Leonardo Mojica, magkasamang nag-iinuman ang magkapatid bandang alas-9 ng gabi nang mairita ang suspek sa paulit-ulit na tanong ng kanyang kapatid kaya isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)