Kuya tsinap-chop ng utol
March 6, 2002 | 12:00am
TAGAYTAY CITY, Cavite Dahil sa kalanguan sa alak at masyadong makulit ay nagawang pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang 39-anyos na lalaki ng nakababatang utol habang magkasamang nag-iinuman ang dalawa sa Brgy. Niogan sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Antonio Albao, may asawa, obrero, samantalang ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Renato Albao, 22, binata, at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Leonardo Mojica, magkasamang nag-iinuman ang magkapatid bandang alas-9 ng gabi nang mairita ang suspek sa paulit-ulit na tanong ng kanyang kapatid kaya isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest