Fiscal todas sa ambush
March 6, 2002 | 12:00am
BACOOR, Cavite Hindi na nakuha pang makadalo ng pagdinig sa kasong hinahawakan sa korte ng isang dating assistant provincial fiscal matapos itong tambangan at napatay ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki habang ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang kotse sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Panapaan ng bayang ito kahapon ng umaga.
Binistay ng bala ng kalibre .45 ang biktimang si Atty. Emmanuel Orquieza, 52, may asawa ng Ilang-Ilang St., Andrea Village ng nabanggit na barangay.
Samantala, ang mga killer na mabilis tumakas sa direksyon ng Imus, sakay ng motorsiklo ay kapwa nakasuot ng bonnet.
Si Orquieza na may hawak ng ibat-ibang kaso ay dadalo sana sa court hearing sa sala ni Imus Regional Trial Court Judge Tagle, Branch 20, nang ito ay ambusin.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Arsenio Gomez, naganap ang pananambang bandang alas-8:25 ng umaga matapos na lumabas ng kanyang tirahan sa Andrea Village sakay ng kotseng Mitsubishi (WET-406).
Habang nagmamaneho ang biktima ay tinabihan ng naka-motorsiklong may sakay na dalawang killer saka sunud-sunod na nagpaputok.
Ayon pa sa ulat, kahit duguan ang biktima ay nakuha pa nitong idikit ang minamanehong kotse sa isang delivery truck upang magkubli ngunit sinundan siya ng mga killer at muling pinaputukan hanggang sa tuluyang bumangga sa nakaparadang motorsiklo.
May teorya ang pulisya na may kaugnayan ang krimen sa mga hawak na kaso ng biktima kaya pinatahimik upang hindi maipagpatuloy ang pagdinig. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest