Si David Flumar, 29, ng Poblacion, Nueva Era ay agad na namatay at ito ay pinaniniwalaang responsable sa pagpatay kina Joel Vidal ng Binacag noong Oktubre 12, 2001 at Batac RTC Judge Rubio. Samantala, sina Rodolfo Flumar ng Burayouk, Pagudpod at Ruben Agulay ng Binacag, Banna ay nasakote.
Ayon kay P/Sr. Supt. Romeo Espiritu, Ilocos Norte PNP provincial director, nag-ugat ang pagdakip sa tatlo makaraang magpalabas ng warrant of arrest si Judge Conrado Ragucos dahil sa mga kasong kinasasangkutan ng tatlo subalit nanlaban si Flumar. (Ulat ni Myds Supnad)