Lolo dedo, apo grabe sa 2 holdaper
March 2, 2002 | 12:00am
STA. ROSA, Laguna Isang 76-anyos na lolo ang kumpirmadong napatay, samantala ang apo nitong babae ay malubhang nasugatan makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang holdaper sa Brgy. Dita ng bayang ito kamakalawa ng hapon.
Si Augosto Sallvio ng Antipolo City ay namatay dahil sa tadtad ng saksak ng patalim sa katawan, samantala ang apo nitong si Jhonafe Sallvio, 26, ng Sto. Cristo, Balingasa, Balintawak, Q.C. ay inoobserbahan sa St. James Hospital dahil sa tatlong saksak sa sikmura.
Sa ulat ni P/Supt. Efren Ramos, hepe ng pulisya sa bayang ito, sumakay ng taxi ang mag-lolo mula sa US Embassy bago nagpahatid sa Centennial Airport sa Parañaque City upang sunduin ang kamag-anak dakong alas-5:30 ng hapon. Gayunman, nakiusap ang driver ng taxi sa mag-lolo na kung maaari ay isakay ang asawa niya na pinaunlakan naman ng mga biktima ngunit nagdeklara ng holdap ang mga suspek pagdating sa nabanggit na barangay na ikinasawi ng lolo dahil sa walang nakuhang malaking halaga. (Ulat ni Rene M. Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest