^

Probinsiya

2 holdaper dedo sa pakikipagbarilan sa pulis

-
DASMARIÑAS, Cavite – Dalawa sa anim na holdaper ng pampasaherong aircon bus ang kumpirmadong napatay, samantala, isa naman ang nadakip makaraang makipagbarilan sa mga tumutugis na miyembro ng Dasmariñas pulis at PNP Cavite Mobile Group sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. San Agustin 2 ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang isa sa napatay na holdaper na si Jessriel Fiel ng 162 Sitio Tuyuan, Merville, Parañaque City. Samantala, inaalam pa ang pangalan ng isa at ang nadakip na kasamahan naman ay nakilalang si Joel Carlos, 35.

Tatlo pang kasamahan ng mga holdaper kabilang na ang isang babae ang kasalukuyang tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar sa Cavite.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Carlito Gener na isinumite kay P/Chief Insp. John Bulalacao, nagdeklara ng holdap ang mga suspek dakong alas-10 ng gabi sa loob ng San Agustin aircon bus (PVX-8140 sa panulukan ng Aguinaldo Highway at Brgy. Tanzang Luma, Imus, Cavite.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, matapos na limasin ng mga holdaper ang hindi mabatid na halaga mula sa 58 pasahero ay nakagawa ng paraan ang driver ng naturang bus upang mapansin ng mga nagpapatrolyang pulis sa harap ng isang department store.

Dito na nagkaroon nang habulan at barilan sa pagitan ng mga suspek at pulisya na nagresulta upang bumulagta ang dalawang holdaper at ikinasugat naman ni SPO1 Edgardo Leachon dahil sa pagsabog ng inihagis na granada ng mga suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

AGUINALDO HIGHWAY

BRGY

CARLITO GENER

CAVITE

CAVITE MOBILE GROUP

CHIEF INSP

CRISTINA GO-TIMBANG

EDGARDO LEACHON

JESSRIEL FIEL

SAN AGUSTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with