Barangay Kagawad itinumba sa eskwelahan
February 25, 2002 | 12:00am
SAN JOSE CITY Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay kagawad ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan. Samantala, tatlo pang iba ang tinamaan ng ligaw na bala habang nanonood ng coronation night sa eskuwelahang sakop ng Brgy. Culaylay ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima nasi Jose V. Garcia, 38, ng Brgy. Culaylay at dating miyembro ng CAFGU.
Samantala, ang mga biktimang sugatan dahil sa ligaw na bala ng baril ay nakilalang sina Tessie Lyn Velasco, 13, Mary Grace Perez, 9 at Willy Legaspi, 41, isang video cameraman ng Brgy. Abar 1st ng nabanggit na lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen bandang alas-10:45 ng gabi habang nanonood ang mga biktima ng coronation night sa Culaylay Elementary School sa naturang lugar. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest