^

Probinsiya

Amang malupit sinunog ng 2 anak

-
MANAOAG, Pangasinan – Hindi na nakayanan ang pagtitiis ng magkapatid na lalaki sa kalupitan ng kanilang ama kaya nagawa nilang pagtulungan paluin ng tubo saka kinaladkad papalabas ng bahay at binuhusan ng gasolina’t sinunog hanggang sa mapatay ang kanilang ama noong Miyerkules ng hapon sa Sitio Baloquing, Poblacion ng bayang ito.

Sinunog ng buhay ang biktimang si Wilson Barrozo, 42, may asawa, mangingisda, samantala, ang dalawang mag-utol na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Jason Barrozo, 22 at kapatid nitong itinago sa pangalang Jay dahil sa menor-de-edad.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na sinamantala ng magkapatid na makatulog ang kanilang ama dahil sa sobrang kalasingan at dito nila sinimulang talian ang dalawang kamay at paa bago pinagpapalo ng tubo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinagtulungan ng magkapatid na isilid sa sako ang biktima bandang alas-4 ng hapon at kinaladkad ng may ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay bago binuhusan ng gasolina at sinunog.

Sa salaysay ni Sonia Hipolito, live-in partner ng biktima sa himpilan ng pulisya sa Dapitan City, bago pa isagawa ang krimen ay may balak na ang mag-utol na iligpit ang kanilang ama ngunit hinadlangan niya ang plano.

Idinagdag pa ni Hipolito na malimit na gulpihin ng biktima ang kanyang mga anak kabilang siya sa tuwing malalasing at may pagkakataon pa na isinilid nito ang isang taong gulang na anak na lalaki sa sako at itinapon sa labas ng bahay dahil sa nagkalat ng dumi.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na tinangka umanong gahasain ng biktima ang kanyang dalawang anak na batang babae kaya napilitan si Hipolito na pansamantalang ilayo ang mga bata sa ibang bayan.

Sinabi pa ni Hipolito na inamin sa kanya ni Jason na binalak nitong turuan ng leksyon ang kanilang ama ngunit hinadlangan niya dahil baka mapatay sila.

Si Jason na anak ng biktima sa unang asawa ay naipagbili sa isang alyas Teoding sa San Carlos City noong ito ay bagong silang.

Subalit nakalipas ang sampung taon ay sinalaysay ni Teoding ang katotohanan kay Jason na ang kanyang ama ay nakatira sa naturang lugar kaya hinanap niya sa pag-aakalang mabibigyan ng magandang kinabukasan. (Ulat nina Erickson Lovino at Eva De Leon)

vuukle comment

DAPITAN CITY

ERICKSON LOVINO

EVA DE LEON

HIPOLITO

JASON BARROZO

SAN CARLOS CITY

SI JASON

SITIO BALOQUING

SONIA HIPOLITO

TEODING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with