^

Probinsiya

Pusher lumaban ng barilan sa pulis, patay

-
DASMARIÑAS, Cavite – Isang 51-anyos na lalaki na pinaniniwalaang pangunahing nagpapakalat ng droga sa kanilang lugar at karatig pook ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa pulisya habang isinasagawa ang warrant operation sa Barangay Salitran 2 ng bayang ito kahapon.

Ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng baril sa mukha ay nakilalang si Antonio L. Humanan, alyas Tonyong Hapon at residente ng Barangay Salitran 1 ng naturang lugar.

Nabatid na si Humanan ay may tatlong kasong nakabinbin sa korte at kasalukuyang may kumakalat na balita na siya ang responsable at supplier ng droga sa kanilang barangay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Wency Tubay na isinumite kay P/Chief Insp. John Bulalacao, hepe ng pulisya sa bayang ito, kasalukuyang isasagawa ang pagdakip sa biktima bandang alas-3:15 ng hapon sa mga kasong kinakaharap nang magpaputok ito mula sa kanilang bahay.

Dahil sa sunod-sunod na putok ang sumalubong sa mga arresting officer mula sa PNP-Special Operation Group ay napilitan na lamang gumanti ng putok hanggang sa dumulagta na lamang si Humanan na may tama sa mukha. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ANTONIO L

BARANGAY SALITRAN

CAVITE

CHIEF INSP

CRISTINA GO-TIMBANG

HUMANAN

JOHN BULALACAO

SPECIAL OPERATION GROUP

TONYONG HAPON

WENCY TUBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with